Archive for the ‘Uncategorized’ Category

huling gabi by sugarfree

Sunday, April 8th, 2007

Kapansin-pansin ang ‘yong ganda ngayong gabi

At ang lungkot sa ‘yong mga ngiti

Ang kislap sa iyong mga mata’y wala na

Kita sa ‘yong tingi’y nagsasabing tapos na ang lahat sa atin

Ito na ang gating huling gabi

Hagkan natin ang bawat sandaling nalalabi

Ng gabing kailan ma’y hindi malilimutan

Habang mata’y nakapikit

Niyakap mo akong mahigpit

Hanggang lumuhang kay pait

Hanggang sa kahuli-hulihang saglit

Kumapit tayong tunay na pagkahigpit-higpit

Hanggang may dumulas, hanggang hindi na kaya

Sino ang unang bumitaw? Sino ang unang bumigay?

Sino ang unang bumitaw? Sino ang unang bumigay….

"Hagkan natin ang bawat sandaling nalalabi…"

harapin

Saturday, April 7th, 2007

tuloy tuloy lang tayo sa paglakad…

iihip lang ang hangin patungo sa hindi natin nalalaman… wala tayong inaasahan hanggang sa atin na lang malaman… hindi natin malaman kung san tayo pupunta… hindi natin alam kung san tayo mapapadpad…

akala nati’y tama na ang ating tinahak hanggang sa malaman natin… hanggang sa tayo’y madapa’t bumagsak… hanggang sa maisip nating muling tumingin sa daan… hanggang maisip nating kailangan na nating tumayo’t magsimulang muli…

natututo tayong mag-ingat, napipilitan tayong magsara ng sarili… natatakot na tayong masaktan, madapang muli… sino nga bang gustong makaranas ng pasakit muli? sino nga bang gustong lumuhang muli?

patuloy lang ang buhay at patuloy lang ang ating paglalakad… paano na tayo kung mananatili tayong nakakulong sa sarili nating gunita? paano kung nakahinto na tayo sa ating paniniwala? paano kung madaanan na natin ang tama…

harapin lang natin ang bukas at umasa sa parating na umaga…

sorry

Monday, March 26th, 2007

it just so happened again…

i knew you were alone, again, watching every second pass in oblivion…

like the canopy of darkness that covers the sky…

you were in questions, where could i possibly be, what could have possibly happened…

then there was silence…

i came in rushing, holding my breath til i rest myself to you, til i feel your presence…

then it was chaos…

no words were said, a split second you were far away, another second you were gone…

i know it was not right…

i have to come to you, whatever happens…

hintay

Wednesday, March 7th, 2007

isang lingon pa sa orasan… tuloy lang ang pagtitig sa pag-ikot… nag-aabang lang sa kawalan… ano pa nga bang maiisip kong dahilan?

napapagod din ako kahit nag-aalala… iniisip ko lang naman kung nasan ka na… siguro hindi mo rin naman sinasadya… sa bawat segundong ako’y nalipasan…

sa kabilang banda, hindi mo rin maaalis… kung ilang ulit kong biglang mapapansin… ako’y natatagalan na sa paghiling… na sana’y pagtawag ko’y iyong dinggin…

sadya nga yatang dito na matatapos ang aking araw… pipikit ang mga mata’t kukumustahin ka na lang sa panaginip… sana naroon ka’t nang pag-iisip ko’y matapos na… ilang oras na akong kinakabahan kung nasan ka na…

gusto ko lang namang malaman kung ayos ka lang…

hanggang sa susunod na paghihintay…

panaginip

Sunday, March 4th, 2007

heto na ko’t malapit ng bumangon… ngunit mga mata’y nais pang sumaglit… pwede bang isa pang minuto o kahit segundo… nagnanais pang hindi masinagan ng liwanag…

nararamdaman ko pa ang lamig na tila nanunuot sa isang damdaming di makalimot… at sadya ang sobrang pananabik… nakapaloob sa sulok kung saan namumutawi ang ngiti… kung saan ang lahat ay katha ng labi…

isang minuto pa’t simula na ng buhay… lahat magbabalik, lahat mag-iisip… sama-samang magpapa-agos sa daluyong ng ngayon… maya-maya’y ako naman ang aahon…

gusto ko munang muli’y pumikit… at isiping muli ang ngiting maririkit… gunitain ang bawat saliw ng oras kung kelan tayong dalawa’y naiidlip… nahahalay sa halimuyak ng panaginip…

sana mamaya nandito kang muli…

kahit ilang minuto, ikaw sana’y manatili…

samahan mo ako’t takasan natin ang mundo…

hanggang ang bawat tagpo’y gawin na nating totoo…

…sana maidlip

Saturday, January 27th, 2007

ilang gabi ng hindi makatulog… kinakaibigan ang buwan sa pagbibilang… sa bawat segundong lumilipas… at unti-unting kinakain ng kawalan…

ilang gabi ng nag-iisip… ilang gabi ng hindi nananaginip…

patuloy lang sa paglutang… kasama ang pusong di malaman ang gagawin… kung may magagawa lang para maayos ang pintig… kung may magagawa lamang para mapayapa ang ligalig…

kung pwede lang hindi maramdaman… kung pwedeng maging manhid na lamang… habang sa puso’y lumalaki ang puwang… lalong naghahanap, lalong nagpapahirap…

kung sana’y nandito siya… kung sana’y nararamdaman niya… kung pwede lang bumulong ang puso… at magtanong kung nasan na ba siya?

…dahil puso’y gustong balikan ang hindi pa masyadong naglalaon

…kung kailan nananabik matulog

…at nagmamadaling gumising upang damhin ang init ng umaga…

taning

Sunday, January 21st, 2007

akala natin maayos na ang lahat… lilipas ang mga araw, buwan o maging taon… mistulang permanente na ang kislap sa bawat ngiti…

hanggang malalaman na lang nating iilang oras na lang ang natitira… sa ganda ng umagang itatago na ng gabi… tila liwanag na pakukupasin na ng dilim…

tila lahat ng bagay ay malulunod na ng kalungkutan… hindi maaninag ang pag-asa… tuluyan ng mawawalang saysay ang sigla… tuluyang makakalimot sa paghinga…

kung kelan akala mo na nakita mo na ang iyomg ligaya;

kung kelan akala mong may pupuntahan na ang lahat;

kung kelan akala mo na wala ng puwang ang pag-iisa…

dun darating ang di inaasahan… sakim nga ba ang panahon para bawiin ang sigla, ang ngiti, ang buhay?

isusuko na lamang ba ang lahat? ititigil na lamang ba ang kahibangan? hahayaan na lamang ba na mabalewala ang lahat?

maya maya pa’y nasa bingit na ang lahat ng isang paalam…

at sa huli’y maiiwan kang sugatan at wala ng pakiramadam… walang ganang sumaya, ngumiti, malungkot, magalit, magtanong, mag-isip… ilang mga bagay na hahayaan na lamang sa kawalan…

why love?

Sunday, January 21st, 2007

why do we love when in the end we get our hearts broken…

why do we love when in the end we lose everything…

why do we love when in the end we shed a thousand tears…

why do we love when in the end we’re left with nothing…

why do we love when in the end we’re forced to give up…

why do we love when in the end we’re stuck in oblivion…

why do we still love while knowing all this consequences?

blank

Sunday, October 8th, 2006

why light a candle and live it alone…
alone with the eternity of loneliness…
loneliness inside the canopy of night…
night together with the flickering light…
light and warmth never felt this cold…
cold enough to supress any hope…
hope to survive what ever lies out there…
there, in the midst of darkness…
darkness that pacifies the emotion…
emotion never noticed as it slips with days…
days like those of a candle and its question why…

may sakit na nga, magkakasakit pa lalo

Tuesday, May 16th, 2006

bakit nga ba ganun? may sakit ka nga, magkakasakit ka pa lalo…

kung kelan alam mong may ginagawa ka nang tama, dun pa mawawala…

kung kelan sa tingin mong maaliwalas na ang langit, dun pa bubuhos ang kalangitan…

kung kelan sa tingin mong sisigla ka, dun pa binawiaan ng pagkawala…

kung kelan sa tingin mong nahulog ka na, natalisod ka lang pala…

sana nung una, alam mo ng grabe ang kalalabasan… para hindi na lang lalong nasaktan…